Mga iba't ibang uri ng talumpati/ pananalumpati
talumpating pampalibang:
tuwing buwan ng disyembre nariyan ang ibat't ibang pagdirawang at isa sa pinaka-
pinagdiriwang ng lahat ng tao sa buong mundo ay ang pasko, makikita mo riyan ang mga
magkakamag-anak na sabay sabay na nagsisimba, at sabay sabay na nagdarasal sa loob ng
tahanan ng diyos nagpapasalamat sa lahat ng biyayang kanilang natatanggap. nariyan din ang
mga kasiyahan nagaganap, ngunit sa tuwing naaalala ko ang mga kasiyahang ito naaalala ko
ang mga panahon nang ako ay musmus pa dahil sa tuwing may kasiyahan ay pumaparoon ako
upang makisaya gaya ng ibang bata na naghihintay sa mga regalong kanilang iaabot sa akin
hanggang sa ako'y nagkagulang na, hindi na gaya ng ako'y bata mas mahalaga na sakin na
makapiling ko ang aking mahal sa buhay, lalo na ang taong nakapagbibigay ng matatamis na
ngiti sa aking mga labi, mga taong hindi mahihigitan ng kahit na anu mang materyal na bagay
o regalo dahil para sakin silay isa nang regalo ni bathala. dahil ang tunay na regalo ng pasko ay
di patungkol sa mga bagay na ating natatanggap o naibibigay kundi para sa kapanganakan ng
nasa itaas at ang pag-ibig natin sa kapwa.
talumpating panghikayat:
mga kaibigan, nais ko sanang hingin ang inyong kaunting sandali, kung kayo ay
nangangailangan ng hanapbuhay na makapagbibigay ng salapi para sa inyong pangangailangan
maaari kayong tumungo sa aming gaganaping seminar sa susunod na linggo. ang magaganap
na seminar ay maaaring makapagbigay ng magandang buhay para sa inyong kinabukasan.
aasahan po namin ang inyong pagdalo, maraming salamat po! iyon lamang at maraming
salamat.
talumpating nagbibigay kabatiran:
maraming mga sakuna ang nagdaraan taon-taon sa ating bansa. ang mga sakunang ito
ay hindi natin inaasahan at ni hindi natin batid kung kailan ito darating. walang sino man ang
nakaaalam o makapagsasabi kung kailan hahagupit ang mga sakunang ito kundi isang
bathalang makapangyarihan na siyang lumikha.
minsan na rin tayong hinagupit ng isang sama ng panahon gaya na lamang ng bagyo. isang
sakunang hindi mo inaasahan at sa paghagupit ng sungit ng panahong ito, kulang ang
kahandaan ng bansa at bawat isa sa atin kaya naman maraming buhay ang nawala, mga buhay
na walang kamuwang muwang na sasapitin nila ang ganitong pangyayari, mga musmos na
nawalan ng pangarap at mga magulang na animoy pinagtakluban ng langit at lupa dahil sa
sinapit ng mga mahal sa buhay. ganitong mga pangyayari ang nagaganap sa tuwing dadaan
ang isang sungit ng panahon.
sanay ang mga pangyayaring ito'y tumatak sa ating isip at magsilbing aral para sa atin. kayat
dapat maging handa tayo sa mga ganitong sungit ng panahon, maging handa sa lahat ng oras
at bagay.habang nariyan ang liwanag ng araw magsagawa ng mga paghahanda upang di na
muling maranasan pa ang dinanas ng iba, maging matalino, maging handa at laging
manalangin sa poong lumikha.
talumpating pampasigla:
may kanya kanya tayong mga pangarap na nais tuparin may mga taong nais maging
doktor, nais nilang makapang-gamot at sumagip ng mga hiningang naghihingalo, may mga
taong gustong maging isang alagad ng batas na gustong tumulong upang puksain ang mga
krimem at sanhi ng pagdami ng krimen nariyan din ang mga nangangarap na maging guro na
gustong magbahagi ng kaalaman sa kanilang mga mag-aaral. bawat isa sa atin ay may mga
pangarap ngunit di natin ito matutupad kung tayo'y hindi magsisikap, ang tinutukoy na
pagsisikap ay pagsisikap sa pag aaral. dahil ang pag-aaral, hindi parang ngumunguya lamang
ng mani, maraming dapat pag-daanan, maraming balakid sa pagtupad ng isang pangarap isa ay
ang kakapusan ng panustos. ang pag-aaral ay mistulang senaryo sa pagsakay sa isang
pampasaherong sasakyan. hindi mo mararating ang gusto mong patutunguhan pagka ikaw'y
walang salaping panustos ngunit kahit may mga ganitong balakid huwag tayong mawawalan ng
pag-asa upang abutin ang ating pangarap. maging matatag at magsikap upang sa pagdating ng
araw masisilayan din ang liwanag na inaasam.