answer:
explanation:
iba’t –
ibang mahahalagang pangyayari sa bansa ang nagbigay- daan sa mga pilipinoupang magising sa katotohanan. mahal nila ang bansang pilipinas at gusto nilang magingmalaya.maraming pang-aabuso at pagpapahirap ang ginawa ng mga kastila sa mga pilipino.pinagsamantalahan nila ang kanilang mga karapatan at kayamanan.subalit, unti-unting naunawaan ng mga pilipino ang kahalagaan ng pagiging malaya.
ano-ano ang mga salik na nagbigay daan sa pag-usbong ng diwang makabansa? 1.
ang pagbukas ng pilipinas sa kalakalang pandaigdig.
- taong 1834, ng hayagang binuksan ang maynila sa kalakalang pandaigdig. binuksandin ang daungan ng sual, iloilo at zamboanga at ng sumunod na taon ay ang cebu.dahil dito ay umunlad ang mga produktong panluwas at lumaki ang kapital ng ating bansa. pinaigi ang teknolohiyang pansakahan at dumami ang mga aning produkto ng mgamagsasaka.ang bilang ng mga may-ari ng lupain , mga negosyante at mangangalakal ay dumamirin. gumanda ang transportasyon at komunikasyon kaya naging mabilis ang pagkilos ngmga produkto. ang mga ganitong pagbabagong dulot ng kalakalan ang nagbigay daan samadalas na pagkikita at pagkikilala ng mga tao. namulat sila sa sariling kalagayan kaiba samga prayle at mga kastila.
2.
ang paglitaw ng gitnang uri ng mga pilipino.
ang tao sa lipunan noong panahon ng mga kastila ay nauuri-uri ayon sa kalagayan nilasa buhay. ang mga purong kastila na sa espanya ipinanganak ay tinatawag na peninsulares
. ang mga isinilang sa pilipinas mula sa kapwa kastila ay mga insulares at mestizo namanang tawag sa mula sa dalawang angkan, kastila at pilipino o intsik.ang pinakamababa sa pangkat ng tao ay ang karaniwang mamamayang pilipino nakilala sa tawag na indio o busabos.sa pagdaan ng mga panahon , nabago ang panghuling uri. ang pag-unlad ng kabuhayanng mga negosyante at mangangalakal ang nagbunsod sa paglitaw ng pangkat ilustrado.sila ang mga pilipinong nagkaroon ng magandang katayuan sa lipunan at nagsimulanghumiling ng mga pagbabago. kinalaban nila ang mga impluwensiya ng mga kastila at prayle .pinag-aral ang mga anak sa maynila, sa espanya at sa ibang bansa . di nagtagal , ang mganakapag-aral ay bumuo naman ng pangkat ng intelligentsia. dahil sa natamong kaalaman atkarunungan ay lalong lumawak at lumaki ang kanilang pang-unawa sa kahulugan ng kalayaanna dapat ipaglaban.kabilang sa mga pilipinong nakapag-aral sa ibang bansa ay sina dr.jose rizal, graciano lopezjaena, marcelo h. del pilar, mariano ponce , antonio luna, felix hidalgo at marami pang
–
iba.
3. ang pagpasok ng mga liberal na kaisipan.
nang ang mga panahong yaon, mabilis na lumaganap sa espanya ang liberal nakaisipan . nakilala ang mga pampulitikang manunulat na tulad nina jean jacques rousseau,voltaire at john locke na di- sang-ayon sa umiiral na sistemang monarkiyal. ayon sa kanilakung mapapatunayan ng mga mamamayan na hindi na karapat-dapat ang pinuno sa kanilang pagtitiwala ay kailangang alisin na ito at palitan.
ang kaisipang liberal na ito ay nadama sa naganap na himagsikang pranses.
ang mga simulain ng mga pranses, “pagkapantay
-pantay, kalayaan, at pagkakapatiran ayumabot at nakarating sa pilipinas . naging inspirasyon ng mga pilipino ang mga simulaing ito para sa kanilang mgaminimithing pagbabago o reporma.
4.
ang pagbubukas ng kanal suez
-lubos na ikinagalak ng daigdig ang pagbubukas ng kanal suez nanagdurugtong sa mediterranean sea at red sea noong 1869. naging madali para sa mgamanlalakbay at negosyante ang pumunta sa pilipinas. dahil sa kanal suez ang paglalakbayay 32 araw na lamang di tulad dati na kailangang umikot pa sa dulo ang aprika natumatagal ng 3 buwan. nakabuti ang pagkakagawa ng kanal suez dahil nagkaroon ng pagkakataonmakipag-
ugnayan ang mga pilipino sa iba’t
- ibang panig ng daigdig. natuto ang mga pilipino ng mga liberal na kaisipan at sa pagdating ng mgaaklat, pahayagan, lathalain, at mga bagong ideya mula sa europa at estados unidos aylalo pang lumawak ang kaalaman ng mga pilipino. sumigla ang pagnanasa ng mgapilipino sa paghingi ng pagbabago o reporma.
5.
ang isyu ng sekularisasyon
noong panahon ng mga kastila ang mga pari ay nahahati sa dalawa; ang regular at sekular. mga kastila ang mga paring regular na nag-aral at sinanay sa espanya . kabilangdito ang mga agustinian, pransiskano,rekoleto, jesuita at dominikano sa pamumuno ng provincial ang mga paring sekular ay mga paring pilipino na nag-aral at sinanay sa pilipinasat nasa ilalim ng mga arsobispo at obispo.